SURING – BASA
Jose Corazon de
Jesus
Noong Nobyembre 22, 1896 hanggang Mayo 26,
1932 ay kinilala siya bilang si Hesung Batute. Siya ay isang makatang Pilipino
na sumulat ng mga tulang Tagalog. Siya rin ay tinawag na “Pepito” sa kanyang
kapuluan.
Siya ay isinilang sa Sta. Cruz Manila noong
Nobyembre 22, 1986. Ang kanyang ama ay si Vicente de Jesus. Bininyagan siyang
Jose Cecelio de Jesus ngunit pinalitan niya ang Cecelio ng Corazon. Lumaki siya
sa bayan ng kanyang ama sa Sta. Maria, Bulacan. Nag-aral siya sa nasiarang
Liceo de Manila at nagtapos noong 1915.
Ang unang tula na kanyang naisulat at
nailimbag ay ang “Pangungulila” na lumabas noong 1931. Ang kolum ay tinawag na
Buhay cavite na isinulat niya sa
pangalang-pluma na Huseng Batute. Sumulat din siya ng halos 800 kulom na
pinamagatang “Ang Lagot ng Bagting” at sa ilalim ng mga pangalang Pusong Hapis,
Paruparo, Pepito Matimtim, Mahirap Dahong Kusa, Paruparong Alitaptap, Amado
Viterbi, Elyas, Anastacio Salagubang at Tubig Lily.
May tatlong pares ng mga makata nasumali sa
unang balagtasan na ginanap noong Abril 6, 1924 sa Instituto de Mujeres na
itinatag ni Sevilla. Nagtagumpay ang balagtassan at nakagiliwan ng mga manonood
ang pares nina Jose Corazon de Jesus at Florentino Collantes.
Sumikat silang dalawa sa buong Pilipinas noong
inanyayahan silang umarte sa pelikulang Oriental Blood kung saan kasama nila
ang tanyag na aktres na si Atang del Rama. Kasama rin sa naging kast ng
pelikula ang anak ni Huseng Batute na si Juliano de Jesus.
Kalupi ng Puso
(Jose Corazon de Jesus)
Talaan ng aking mga dinaramdam
Kasangguning lihim na nais tandaan
Bawat dahon niya ay kinalalagyan
Ng isang gunitang pagkamahal-mahal.
Kaluping maliit sa tapat na puso
Ang bawat talata’y puno ng pagsuyo
Ang takip ay bughaw, dito nakatago
Ang lihim ng aking ligaya’t siphayo.
Nang buwan ng Mayo kami nagkakilala
At tila Mayo rin nang magkalayo na
Sakaluping ito nababasa-basa
Ang lahat ng asting mga alaala.
Nakatal rito ang buwan at araw
Ng ating ligaya at kapighatian
Isang dapithapo’y nagugunam-gunam
Sa mga mato ko ang luha’y umapaw
Anu pa’t kung ako’y tila nalulungkot
Binabasa-basa ang nagdaang lugod
Ang alaala koy ditto nagagamot
Sa munting kaluping puno ng himutok.
Matandang kalupi ng aking sinapit
Dala mo nang lahat ang tuwa ko’t hapis
Kung binubuksan ka’y parang lumalapit
Ang lahat ng aking nabigong pag-ibig.
Sa dilaw mong daon ngayon ay kupas na
Ang lumang pagsuyo’y naaalala
Sa kaluping bughaw, kung kita’y mabasa
Masayang malungkot na hinahagkan ka.
May ilang bulaklak at dahong natuyo
Na sa iyo’y lihim na nangakatago
Tuwi kong mamasdan, luha’y tumutulo
Tuwi kong hahagkan, puso’y nagdurugo.
Mga Elemento ng
tula:
Sukat
– ito ay tumutukoy sa bilang ng pantig
ng bawat taludtod na bumubuo sa isang saknong. Ang pantig at tumutukoy sa pagbasa.
Saknong – ang saknong ay isang grupo sa loob ng isang
tula na may dalawa o maraming linya
Tugma – isa itong katangian ng tula na hindi angkin
ng mga akda sa tuluyan. Sinansabing may tugma ang isang tula kapag ang huling pantig
ng huling salita ng bawat taludtod ay magkasing tunog.
No comments:
Post a Comment